Aminado si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na may napakalaking bilang ng nurses ang huminto sa pagtatrabaho dahil sa takot na makakuha sila ng COVID-19.
Ayon kay Duque, may mga nakausap siyang mga pribadong ospital na kulang ng hospital staffs.
Karamihan sa mga dahilan, ayaw ng mga magulang na papasukin ang kanilang mga anak sa trabaho dahil baka mahawaan sila ng COVID-19 habang ang iba ay mayroong personal reasons.
Bukod dito, nahihirapan din silang mag-deploy ng mga ‘Doctors to the Barrios’ sa Cebu dahil iginigiit ng mga doktor na mas kailangan sila sa lugar kung saan sila nagsisilbi.
Iginiit ni Duque na importanteng maramdaman ng medical frontliners na may gobyernong umaalalay at tumutulong sa kanila ngayong pandemya.
Umaapela si Duque sa healthcare workers na ipakita ang pagiging makabayan at hindi makasarili ngayong COVID-19 pandemic.