Manila, Philippines – Sang-ayon si Lingayen Archbishop Oscar Cruz na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lang ang magsasagawa ng mga operasyon na may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Cruz, dapat ipakita ng PDEA na marunong silang rumespeto sa karapatang pantao at lahat ng kanilang mga operasyon ay sana buhay umano ang mga drug suspek dahil kaya naman nila maghihintay at wala silang ibinigay na timeline sa mga PDEA agent kung kailan maibabalik ang tiwala ng publiko sa mga law enforcers na nagsasagawa ng operasyon sa war on drug ng gobyerno.
Umaasa ang arsobispo na sana magtagumpay ang PDEA sa kanilang kampanya kontra sa iligal na droga.
Nagtataka rin si Cruz, kung bakit walang napapatay na mga drug lord o mga nagma-manufacture ng iligal na droga at pawang mga mahihirap lamang ang napapatay sa mga operasyon ng pulis.