Nakabalik na sa trabaho ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Philippine Overseas Labor and Office (POLO) Labor Attache Melchor Dizon, tatlong kaso ng OFW na tinanggal sa trabaho ang natulungan ng kaniyang tanggapan matapos mahawaan ng COVID-19.
Aniya, bumuo na sila ng grupo na mag-iimbestiga sa illegal termination ng mga OFW na nagpositibo sa virus.
Tiniyak din ni Dizon na tinitignan na rin nila ang iba pang kaso ng OFW na tinanggal sa trabaho bago pa man ang COVID-19 surge sa Hong Kong.
Nanawagan din ito sa iba pang OFWs doon na iulat ang kanilang karanasan para maakysunan.
Facebook Comments