Ilang OFWs, hindi na lalahok sa Zero Remittance Week —Malacañang

Iniulat ng Malacañang na hindi na makikilahok ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Zero Remittance Week.

Ang pagkilos na ito ay ililunsad ng ilang OFWs sa Europe sa March 28 hanggang April 4, kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi sang-ayon ang ilang OFWs sa nasabing panawagan dahil magugutom ang kanilang pamilya na nasa Pilipinas.


Gayunpaman, hindi aniya sisikilin ng pamahalaan ang OFWs na lalahok sa kampanyang ito.

Pero umaasa ang Palasyo na walang lalabaging batas at magiging makatwiran ang OFWs dahil hindi naman kaaway ang pamahalaan.

Nakarating na rin aniya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa bagay na ito, at wala gagawing legal na aksyon ang Palasyo.

Ang panawagan lamang ng Palasyo sa mga OFW ay maging mapagmatyag, iwasang maniwala sa fake news at alamin ang katotohanan, lalo’t kakampi at hindi kalaban ng mga ito ang gobyerno.

Facebook Comments