Ilang OFWs na sumailalim sa quarantine, makakauwi na sa kani-kanilang probinsya bukas

Makakauwi na ng kani-kanilang probinsya ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na natapos nang sumailalim sa kanilang quarantine at RT-PCR testing.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), babiyahe na bukas ang mga barko na siyang maghahatid sa mga OFWs patungong Visayas at Mindanao.

Isang linggo ring nanatili ang mga OFW sa quarantine facilities dahil hinintay pa nila ang kanilang mga quarantine pass at makuha ang certification mula sa mga otoridad na katunayang nag-negatibo sila sa COVID-19.


Umaabot naman na sa 22,698 ang bilang ng OFWs na sumailalim sa testing ng Coast Guard.

Samantala, pinaghahanap naman na ng PCG ang ilang OFWs na tumakas sa kanilang quarantine facility.

Ang hindi pa pinangalanang OFWs ay napag-alaman na nag-positibo sa COVID-19 kung saan iniimbestigahan na kung paano sila nakatakas sa nasabing pasilidad.

Facebook Comments