Ilang OFWs, nagdadatingan sa NAIA ilang oras bago ang Pasko

Ilang oras bago ang Pasko, sunud-sunod ang pagdating sa bansa ng Filipino repatriates mula sa iba’t ibang bansa.

2,050 na repatriates ang dadating ngayong araw sakay ng walong flights.

Naunang dumating kaninang alas-8:55 ng umaga ang 300 repatriates mula UAE sakay ng Philippine Airlines flight PR 659 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.


Sumunod na dumating ang 250 repatriates mula Bahrain sakay ng Gulf Air flight GF 154.

Susundan ito ng 250 repatriates mula Riyadh, KSA sakay ng Saudia Airlines flight SV 862 na lalapag ng alas-2:00 ng hapon.

Gayundin ang 250 repatriates mula Abu Dhabi, UAE sakay naman ng Etihad Airways flight EY 424 na lalapag ng alas-2:00 ng hapon.

250 repatriates mula Qatar sakay ng Qatar Airways flight QR 932 with ETA of 1635H.

Alas-5:00 ng hapon naman ang dating ng 250 repatriates mula Tokyo, Japan sakay ng Philippine Airlines flight PR 427 na lalapag sa NAIA Terminal 2.

Susundan ito ng 250 repatriates mula Jeddah, KSA sakay naman ng Saudia Airlines flight SV 870 na lalapag naman ng alas-9:00 ng gabi.

At ang panghuli ang 250 repatriates mula Korea sakay ng Korean Air flight KE 623 na dadating ng alas-10:05 ng gabi sa NAIA Terminal 1.

Mabilis naman ang pagserbisyo sa repatriates ng mga frontliner na tauhan ng Philippine Coast Guard.

Facebook Comments