Ilang OFWs sa Laos, mas pinili pa ring umuwi ng Pilipinas bagama’t low-risk sa COVID-19 ang nasabing bansa

54

46 na mga Pilipino mula Laos ang pinili pa ring umuwi ng Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic bagama’t maliit lamang ang kaso ng nasabing virus sa naturang bansa.

Karamihan kasi sa kanila ay nawalan ng trabaho sa Laos dahil sa pandemya.


Sa ngayon, 24 lamang ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa mula nitong January hanggang October 2020.

Sa kabila nito, sarado pa rin ang ilang international borders at entertainment venues sa Laos.

Bukod dito, limitado lamang din ang kanilang pagpapapasok ng mga pasahero sa kanilang bansa at ang pinahihintulutan lamang ay ang may urgent na trabaho sa Laos.

Facebook Comments