Ilang OFWs sa Saudi Arabia na may karamdaman, kasama sa repatriation flight bukas

Kinumpirma ng Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh, Saudi Arabia na 340 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dadating sa bansa bukas.

Kabilang dito ang mga stranded at may karamdaman na Pinoy workers mula Saudi Arabia.

Bunga nito, kinansela muna ng POLO-Riyadh bukas ang pagproseso sa transaksyon ng ilang OFWs.


Layon nito na matutukan ang pagsend-off sa distressed OFWs bukas.

Ipagpapatuloy naman ng POLO-Riyadh ang kanilang operasyon sa Lunes, September 6.

Facebook Comments