Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig na ini-lockdown nito ang ilang tanggapan ng Pasig City Hall matapos magpositibo ng COVID-19 ang ilang mga empleyado nito.
Batay sa abiso, kasama sa ini-lockdown ay ang Pasig City Administrator’s Office.
Hindi naman sinabi ng pamahalaang lungsod kung kailan muling magbubukas o magbabalik operasyon ang mga opisina ng Pasig City Hall.
Humihingi naman sila ng pang-unawa sa mga residente ng lungsod na apektado ng nasabing hakbang.
Samantala, ang lungsod ng Pasig ay mayroon nang 43,316 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Mula sa nasabing bilang, 49,176 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit at 1,110 na ang nasawi.
Habang nasa 2,030 na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod na patuloy naman nagpapagaling sa mga quarantine facility nito.