Ilang opisyal, enlisted personnel, kawani at educational institutions, ginawaran ng parangal ni Pangulong Marcos sa ika-87 anibersaryo ng AFP

Kinilala at binigyang parangal ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilang opisyal, enlisted personnel, kawani at educational institutions sa ginanap na ika-87 anibersaryong ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang sa tumanggap ng distinguished conduct star award sina Col. Joel Lobitania at Tsgt. Joseph Hulibayan na kapwa miyembro ng Philippine Army.

Si Lobitania ay ground commander ng joint counter action teams nang makasagupa ang mahigit 30 armadong communist national terrorists sa Nasugbu, Batangas noong November 28, 2017.


Nagboluntaryo si Lobitania na manguna sa counteraction operation kung saan siya nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang operasyong ito ay nagresulta sa pagkamatay ng 14 na mga terorista at pagkakarekober ng mga high powered firearm at iba pang pampasabog, mga bala at mga dokumento.

Si Hulibayan naman ay nagpakita ng tapang sa harap ng mga kalaban sa serye ng mga engkwentro sa pagitan ng tinatayang 40 mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Esperanza, Agusan del Sur noong April 30, 2020.

Pinarangalan din ng pangulo ang gold cross medal kay 2LT Elvin Arcilla ng Philippine Army na nagsilbing platoon leader ng scout platoon ng 54th Infantry Magilas Battalion ng 5th Infranty Division sa isang engkwentro laban sa mga armadong communist terrorist group sa Asipulo, Ifugao.

Dalawang opisyal din mula sa Philipine Navy at Philippine Air Force (PAF) ang ginawaran naman ng bronze cross medal, AFP Enlisted Personnel of the Year mula sa PAF, AFP Civilian HR Supervisor of the Year mula sa Philipine Army, AFP Civilian HR Employee of the Year, AFP ROTC Male Cadet of the Year, AFP ROTC Female Cadet of the Year, dalawang AFP ROTC Cadet of the Year Educational Institutions o ang Patts College or Aeronautics at University of Cagayan Valley sa Tuguegarao, Cagayan.

Facebook Comments