
Maaaring mapalitan sa pwesto ang tatlong opisyal ng Bicol Police.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III, galing siya ng Bicol nitong weekend at dito niya nakita ang mga opisyal na kulang sa performance.
Paliwanag ni Torre, mayroon syang nakitang Provincial Director na bigong mag-supervise ng kanyang mga tao at hindi marunong mag-radyo.
Ani Torre, bilang commander sa ground, dapat ay marunong ang mga Regional Director, Provincial Director at Chief of Police na magbigay ng command.
Kung kailangang gamitan ng “micromanagement” ang mga tauhan ay dapat gawin ito para epektibong maibaba ang utos.
Iginiit din ni Torre na dapat ay palaging may dala-dalang radyo ang mga commander sa ground para mayroong contact sa kanilang unit para sa agarang responde sa krimen.









