Sumasailalim na rin sa self-quarantine at testing ang ilan opisyal ng CHED o Commission on Higher Education na dumalo sa Senate hearing noong March 5.
Paglilinaw ni CHED Chairman Prospero de Vera III, wala pa namang nagpositibo sa COVID-19 sa mga opisyal pero bilang pagtalima sa protocol ng pamahalaan ginagawa nila ang lahat.
Sabi pa ni De Vera, tatlong Opisyal ng CHED ang nagtungo sa Senado, para sa hearing ng Committee on Basic Education, Arts and Culture.
Dalawa sa kanila ang humarap sa pagdinig habang ang pangatlong CHED official ay nasa Senate building lamang.
Hihintayin lamang ni Chairman De Vera ang test results at saka sila gagawa ng mga susunod na hakbang.
Ilang opisyal na ng pamahalaan ang nag self-quarantine kabilang si Senator Win Gatchalian ng makumpirma na nagpositibo sa COVID-19 ang resource person na inimbitahan ng Senado.