Nakatakdang tumungo ngayong buwan sa Kuwait ang ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs o DFA at Department Migrant Workers o DMW.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ito ay upang magkaroon pa nang maraming pagkakataon makausap ang pamahalaan ng Kuwait patungkol sa mga labor concerns at issues.
Ito ay matapos na suspendihin ng gobyerno ng Kuwait ang pag-iisyu ng bagong entry visas para sa mga Pilipino patungo sa Middle Eastern Country.
Una nang tiniyak pamahalaan sa mga naapektuhang Overseas Filipino Workers na mabibigyan sila ng ayuda.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Cortes ang mga apektadong OFWs ay mapapabilang sa National Reintegration Program ng DMW na isa aniyang paraan ng tulong mula sa pamahalaan.