
Nag-commute kanina ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr).
Kasunod ito ng direktiba ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na alamin ang kalagayan ng commuters at maging ang sitwasyon sa mga pampublikong sasakyan kabilang na ang mga tren.
Alas singko y media ng madaling araw, nagsimulang bumiyahe si Assistant Secretary for Road and Non-Infrastructure Dioscoro Reyes mula Fairview, Quezon City.
Sumakay siya ng modern jeepney patungo sa Quezon Ave. saka lumipat sa MRT-3 hanggang makarating sa Santolan-Anapolis Station, at saka naglakad papuntang opisina ng DOTr.
6:30 naman kaninang umaga nagsimulang maglakad sina Undersecretary for Railways Timothy John Batan kasama si Assistant Secretary Eduardo Danilo Macabulos.
Sumakay sila ng modern jeep papuntang Shaw Blvd., saka sumakay ng MRT-3 patungong Santolan-Annapolis at mula doon, naglakad papuntang opisina.
Habang si Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure Ramon Reyes ay sumakay mula MRT-3 Guadalupe hanggang Santolan-Annapolis.
Si Director Joshua Rodriguez naman ay naglakad patungong EDSA Busway Guadalupe Station at sumakay patungong Santolan-Anapolis, Quezon City at saka naglakad papuntang opisina.









