Ilang opisyal ng DPWH na sangkot sa bumagsak na tulay sa Isabela, pinangalanan ng isang senador

Tinukoy ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa likod ng bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.

Sa privilege speech ni Estrada tungkol sa naturang bumagsak na proyekto ay inusisa siya ni Senator Rodante Marcoleta na tukuyin ang mga sinasabing opisyal ng DPWH na nanunungkulan pa rin sa kabila ng insidente.

Pinangalanan ni Estrada ang tatlong opisyal na sina Undersecretary for Regional Operations in Luzon Eugenio Pipo Jr., Undersecretary for Regional Operations in Visayas and Mindanao Ador Canlas, at Undersecretary for Planning Service and Public-Private Partnership Service Maria Catalina Cabral.

Tinykoy rin ni Estrada sina Assistant Secretary for Regional Operations in Luzon Loreta Malaluan at Assistant Secretary for Regional Operations in Visayas and Mindanao Mary Bueno na sinasabing may kaugnayan din sa proyekto.

Sinabi ni Estrada na dapat managot ang DPWH sa pamamagitan ng paghuli sa mga opisyal na sangkot sa plano, approval, at implementasyon ng proyekto at hindi lamang dapat habulin ang mga private contractor.

Facebook Comments