Ilang opisyal ng DPWH sa Bulacan at mga contractor, sinampahan na ng reklamo ni Sec. Dizon sa Office of the Ombudsman

Muling nagbabala si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya kasunod ng pagsasampa nito ng reklamo sa Office of the Ombudsman sa ilang DPWH officials na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ito ang unang batch ng mga kasong kriminal na isinampa sa Ombudsman laban sa ilang opisyal ng ahensiya at mga contractor na sangkot sa mga palpak na flood control projects.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang ilang tauhan ng Bulacan DPWH na sina dating DPWH district engineer Henry Alcantara, dating assistant district Engineer Brice Ericson Hernandez, Construction Section Chief John Michael Ramos, at iba pang opisyal ng Bulacan 1st District Engineering Office.

Kasama rin dito ang mga construction companies na Wawao Builders, Syms Construction Trading, at St. Timothy Construction Corporation na pagmamay-ari umano ng mag-asawang Discaya, pati na rin ang iba pang sangkot.

Ang mga inireklamo ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Malversation of Public Funds in relation to Articles 171 of the Revised Penal Code; at paglabag sa Republic Act No. 9184.

Ayon kay Dizon, layunin ng hakbang na ito na ipakita na walang sasantuhin ang pamahalaan sa laban kontra katiwalian.

Facebook Comments