Ilang opisyal ng gobyerno, sasampahan ng kaso ni Janet Lim Napoles kaugnay ng PDAF scam

Manila, Philippines – Magsasampa sa susunod na linggo ng kaso sa Department of Justice si Janet Lim Napoles laban sa tatlong senador at dating secretary kaugnay ng Priority Development Assistant Fund (PDAF) scam.

Ayon kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II, sa kanyang nakuhang impormasyon kabilang sa mga sasampahan ng kaso ay sina Senators Antonio Trillanes IV, Leila De Lima at Franklin Drilon at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Una nang pinawalang sala ng Court of Appeals si Napoles sa kasong serious illegal detention na kinasasangkutan ng kanyang dating aide na si Benhur Luy.


Inihayag ni Aguirre na posibleng gamiting testigo ang sinasabing utak ng pork barrel scam sa panibagong imbestigasyon ng DOJ.

Pero nilinaw nito na mananatili at hindi maaapektuhan ng imbestigasyon ang plunder at graft cases ni Napoles sa Sandiganbayan.

Samantala, sinabi naman ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na malaya si Napoles na magsampa ng kaso laban sa sinuman.

Dagdag ni Morales, hindi maiiwasan na kausapin ng DOJ si Napoles pero ang Ombudsman pa rin aniya ang magdedesisyon kung gagawin siyang state witness.

DZXL558

Facebook Comments