Ilang opisyal ng Manila LGU, nag-cash advance ng daan-daang milyong piso —Mayor Isko

Ito ang ibinunyag ni Manila Mayor Isko Moreno na kinakaharap ngayong problema ng lungsod.

Sa Inaugural State of the City Address ngayong hapon, ibinuking ng alkalde na malaking halaga ng pera ng lokal na pamahalaan ang umano’y posibleng pinakinabangan ng ilang mga opisyal.

Ayon kay Moreno, nasa mahigit P10.2 billion ang payables o bayarin ng local government unit (LGU) hanggang nitong June 5.

Kasama na rito ang P950 million na bayarin sa tatlong contractor ng basura, at bilyun-bilyong pisong halaga ng gamot at mga supplies.

Pinangalanan din ni Mayor Isko ang mga opisyal ng LGU na nag-cash advance ng daan-daang milyong piso bago ang midterm elections nitong Mayo.

Samantala, iniulat ni Moreno na mahigit dalawang libong tonelada ng basura ang nahakot na sa lungsod, pero may banat naman ito sa nagdaang administrasyon.

Facebook Comments