Ilang opisyal ng NFA, nangangambang mawalan ng trabaho matapos maisabatas ang rice tariffication bill

Manila, Philippines – Nangangamba ngayon ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na baka mawalan ng trabaho ang marami sa mga empleyado nito.

Dahil ganap nang batas ang rice tariffication, mawawalan umano ng kapangyarihan ang nfa na mag-import ng bigas at kapangyarihang i-regulate ito na posibleng mauwi rin sa pagbabawas ng mga tauhan.

Sa isang panayam, sinabi ni NFA-Bicol Director Henry Tristeza na walang probisyon sa nasabing batas kung makakatanggap pa ng separation pay ang mga matatanggal na empleyado kahit may GSIS at leave credit.


Pero aminado ang opisyal na hindi rin niya tiyak kung ang pinirmahang panukala ni Pangulong Duterte ay ang eksaktong resolusyong inaprubahan ng kongreso.

Facebook Comments