Ilang opisyal ng Pamahalaan, ipinatawag sa Malacanang ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Bukod kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ay nabatid na ipinataawag din sa Palasyo ng Malacanang sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno, Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay, Senador Frank Drilon, Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez at iba pang mambabatas.

Batay sa impormasyong nakarating sa Malacañang Press Corps ay papunta na ng Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Davao City.

Batay din sa impormasyon ay kaya ipinatawag ng Pangulo ang mga opisyal at Senador ay para pag-usapan ang Tax Reform bill pero hindi pa naman batid sa ngayon kung isa sa pag-uusapan ay ang kinasasangkutan ngayong issue ni Faeldon kung saan nakalusot sa Bureau of Customs ang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu.


Ngayong araw ay walang inilabas na official schedule si Pangulong Duterte pero bukas ay mayroong dalawang public event ang Pangulo sa Quezon City particular sa pagdalo nito sa anibersaryo ng BIR at ng BFP.

Facebook Comments