Nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction Management (NDRRM), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa karagatan ng Limay, Bataan kung saan tumagas ang langis mula sa lumubog na MT Terra Nova.
Sakay ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga opisyal kasama ang ilang kagawad ng media.
Sakay ng chopper ay nagtungo rin sa lugar si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang hakbang upang matigil na ang pagkalat ng tumatagas na industrial fuel oil mula sa MT Terra Nova.
Patuloy din ang pag-iikot ng mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi kung saan lumubog ang nasabing motor tanker.
Nakalatag din ang oil boom para makontrol ang pagkalat ng oil spill mula sa tanker.