Ilang opisyal ng pamahalaan, pinatutunayang maayos naman ang kalagayan ng Pangulo

Manila, Philippines – Pinatunayan ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na maayos naman ang kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Panelo sa harap narin ng ispekulasyon ng ilan na nagsasabi na may sakit si Pangulong Duterte kaya ito hindi nagpapakita sa publiko

Sa interview kay Panelo kanina, nagkita sila kagabi ni Pangulong Duterte kung saan nakipagkwentuhan pa aniya ito at malakas at masaya pa ang Pangulo.


Sinabi pa ni Panelo na baka sa Lunes ay makikita na ng publiko si Pangulong Duterte.

Nabatid naman na sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato dela Rosa na tinawagan pa siya ni Pangulong Duterte kahapon at inatasan pa siya na kumatawan sa isang aktibidad.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na walang dapat ikabahala dahil wala namang malubhang sakit si Pangulong Dutere dahil kailangan lang nitong magpahinga matapos ang sunod-sunod na aktibidad.

Facebook Comments