Ilang opisyal ng pamahalaan, pinayagan magdala ng armas ngayong election period

Pinapayagan na ng Commission on Elections (COMELEC) na makapagdala ng armas ang ilang opisyal at tauhan ng gobyerno.

Ito ay matapos amyendahan ng COMELEC ang patakaran sa election gun ban.

Kabilang sa mga sakop ng automatikong exemption ang vice president, Senate president, House speaker habang ang mga kongresista ay pinapayagan na magkaroon ng 2 security.


Kasama rin sa exemption sa COMELEC gun ban ang mga mahistrado ng Korte Suprema kung saan pinapayagan sila na magkaroon ng 2 security.

Sakop din ng exemption ang mga mahistrado ng Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.

Exempted din ang mga hukom ng Regional Trial Court, gayundin ang Municipal at Metropolitan Circuit Trial Courts.

Gayundin, sakop ang mga miyembro ng gabinete, solicitor general, undersecretaries at assistant secretaries.

Kasama rin ang Ombudsman, Deputy Ombudsman kasama na ang mga imbestigador at prosecutor ng Office of the Ombudsman.

Facebook Comments