Nagsampa ang National Bureau of Investigation ng kasong kriminal sa DOJ laban sa 21 opisyal at empleyado ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth kaugnay ng maanomalyang claims sa dialysis ng mga pasyente ng WellMed Dialysis Center.
Mga kasong paglabag sa Section 3(e) ng R.A. 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at paglabag sa R.A. 10606 o “National Health Insurance Act of 2013; at R.A. 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” ang isinampang mga kaso ng NBI laban sa mga taga Philhealth.
Nag ugat ang kaso sa maanomalyang mga claims para sa pagbabayad ng mga dialysis at iba pang medical treatment ng mga miyembro at benepisyaryo ng Philhealth.
Kabilang sa 21 mga kinasuhan ang mga opisyal ng Accreditation Sub Committee from PhilHealth Regional Office National Capital Region (PRONCR).
Kasama sa kinasuhan ang Branch Manager ng Philhelath na si Dr. Lolita V. Tuliao.
Si Tuliao ang itinuturong opisyal ng Philhealth na responsable sa pag apruba ng accrediration ng WellMed Dialysis Center noong 2019 sa kabila ng isinagawang imbestigasyon ng Fact Finding Investigation and Enforcement Department ng Philhealth sa mga ghost claims ng WellMed.
Lumalabas sa imbestigayon ng NBI AGD na hindi nagsagawa ang PRO NCR ng periodic monitoring sa mga Health Care Institution na paglabag sa RA 106060.
Kumilos din ang Accreditation Sub Committee ng Philhealth ng walang awtorisasyon para iaccredit ang WellMed.