Ilang Opisyal Ng Pnp, Makakatanggap Ng Cash Gift Mula Kay P-Duterte

3

MANILA – Aabot sa P50,000 hanggang P400,000 ang matatanggap na cash gift ng ilang opisyal ng Philippine National Police.Pero, ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa – depende ito sa performance ng mga opisyalKabilang dito ang directorate chiefs, deputies, executive officers, regional directors at provincial directors.Inamin naman ni Dela Rosa – na hindi mabibigyan ang lahat ng pulis dahil manggagaling lamang ang pondo sa intelligence funds ng pangulo.Nakasaad sa regulasyon sa intelligence funds – maari itong gamitin para pondohan ang mga aktibidad na mayroong kinalaman sa national security at peace and order gaya ng pagbabayad sa informant at pagbili ng mga gamitPero – malinaw din na hindi maaring gamitin ang pondo bilang sahod o dagdag na kompensasyon ng mga kawani ng pamahalaan.

Facebook Comments