Ilang opisyal ng region-12, hindi tutol sa pagtalaga kay Supt. Marcos sa CIDG-12

General Santos City – Walang isYU para sa ilang opisyal ng gobyerno ng SOCKSARGEN ang pagtalaga sa kontrobersyal na Police na si Police Superintendent Marvin Marcos sa CIDG-12.

Para kay Gensan City Mayor Ronel Rivera wala syang Kwestyon kung si Marcos ang magiging Head ng CIDG-12 lalo na kung galing sa Camp Crame at kay Pangulong Rodrigo Duterte ang utos.

Dagdag pa ng alkalde na sa kabila ng mga batikos laban kay Marcos dapat na bigyan din ito ng pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan lalo pa’t hindi pa napatunayan sa korte na siya ay guilty sa nangyari kay Albuera Mayor Espinosa.


Sinabi naman ni Sarangani Governor Steve Chongbian Solon na wala siyang nakitang problema kay Supt. Marvin Marcos.

Dagdag pa nito na kung sakali mang may hindi magandang background si Marcos sa Central Visayas hindi nito basta-bastang magagawa dito sa Region 12 dahil nakatutok sa kanya ang publiko.

Samantala, welcome din si Marcos para sa isang alkalde ng South Cotabato na si Tupi Mayor Reynaldo Tamayo.

Aniya dapat lang siguruhin ng nasabing opisyal na gagampanan nito ng maayos ang kanyang trabaho sa CIDG-12.

Facebook Comments