Ilang opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm, sinibak matapos tangkaing magpasok ng mga kontrabando

Sinibak na sa pwesto ang camp commander ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at ilan pang officer na on duty.

Ito’y matapos ang tangkang pagpasok ng alak, sigarilyo, at tobacco sa loob ng bilangguan.

Ayon kay Bureau of Corrections (BOC) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., kasalukuyan nang nasa Directorate for Personnel and Human Resource Development sa National Headquarters ng Muntinlupa City ang mga opisyal para sa imbestigasyon.

Batay sa report, isinakay umano ang mga kontrabando sa isang dump truck na puno ng buhangin at graba na ipinarada sa harapan ng ospital.

Sa pagtatanong sa driver na si Rob Antaran, kinumpirma nitong mayroong permit na pinirmahan nang nagngangalang Madrid para maipasok ang truck sa loob ng kulungan.

Ngunit, tumanggi ang driver na ibaba ang naturang mga buhangin at graba.

Dito na naghinala ang mga awtoridad at kalaunan ay inamin rin ng driver na si Rob na may lamang kontrabando ang mga buhangin.

Narekober dito ang 213 bote ng o 1L Ginebra San Miguel, 48 bottles of 700ml Ginebra San Miguel, 16 bottles of 1 L Jack Daniel’s Whiskey, 2 bottles ng 700ml Jack Daniel’s Whiskey, 30 reams of Marlboro cigarettes na may 10 packs per ream, 69 reams ng tobacco na may 10 packs per ream, 10 packs ng tobacco na may 6 bricks per pack, at 37 sticks ng tobacco.

Inaalam pa ni Catapang kung mayroon pang kasabwat sa ppagtatangkang pagpasok ng kontrabando sa nasabing pasilidad.

Facebook Comments