Ilang opsiyal ng MPD, sumalang sa surprise drug test

Aabot sa 100 opisyal ng Manila Police District (MPD) ang sumalang sa surprise drug test na inilatag ni Police Brig. Gen
Andre Dizon.

Isinagawa ang drug test sa mismong headquarters ng MPD sa U.N. Avenue, Ermita, Maynila.

Nabatid na naunang sumalang sa drug test si Dizon saka sumunod ang mga station commanders at ilang tauhan sa opisina ng MPD.


Ayon kay Dizon, hindi lamang ito para sa mga opisyal kung saan muli nila itong ikakasa sa mga Police Stations sa Maynila.

Kumpiyansa naman si Dizon na negatibo at drug free ang bawat opisina sa MPD.

Ang hakbang ng pamunuan ng MPD ay alinsunod sa direktiba at programa ni NCRPO PBGen. Jose Nartatez Jr., bilang bahagi ng internal cleansing ng PNP.

Facebook Comments