Ilang organisasyon at militanteng grupo, tila dismayado sa inilabas na hatol sa ibang akusado 

Tila dismayado ang ilang militante at grupo ng mga mamamahayag sa huling hatol sa ulang mga akusado sa Maguinadanao Massacre.

Hangad  kasi ng militanteng grupong bayan muna, ilang mga kabataan at National Union of Journalist in the Philippines o NUJP na mahatulang guilty ang lahat ng akusado.

Magkaganoon pa man, itinuturing nila na tagumpay ang ipinaglalaban nila ng sampung taon dahil nahatulan guilty ang mga primary suspect sa krimen.


Sinabi din nila na hindi pa tapos ang laban dahil susubukan nilang iapela ang desisyon sa Court of Appeal para hindi makalabas ng bilangguan ang mga akusado.

Hinamon din nila ang kasalukyang pamahalaan na tugisin ang nasa higit 80 kasabwat sa karumal-dumal na krimen.

Bukod sa mga nasabing grupo, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at National Press Club o NPC kung saan magsasagawa ng press conference ang NUJP kasama ang ilang pamilya ng biktima ng Maguindanao Massacre.

Facebook Comments