Ilang ospital itinalaga ng DOH bilang COVID-19 dedicated hospitals

Itinalaga ng Department of Health ang UP Philippine General Hospita (PGH), Jose Rodriguez Memorial sa Caloocan at ang isang wing ng Philippine Lung Center bilang designated COVID-19 hospitals.

Sa Inter-Agency Task Force (IATF) Briefing sa Malakanyang sinabi ni Health Asec Rosette Vergeire na ang mga nabanggit na ospital ang syang mangangalaga sa mga Persons Under Investigation (PUI) at positive COVID patients.

Layon nitong matutukan ang mga may sintomas at positibo sa COVID-19, hindi na maihalo ang mga ito sa iba pang pasyente at madecongest ang iba pang mga ospital para mapangasiwaan nila ang mga non-COVID patients.


Sinabi pa ni Vergeire na ang mga Patients Under Monitoring (PUM) ay hindi naman na kailangan pang pumunta sa ospital bagkus self-isolation o quarantine lamang ang kanilang kailangan.

Facebook Comments