Naka-red alert na ang ilang pribadong ospital sa posibleng pagdagsa ng firecracker-related injuries, tatlong araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Pero umaasa si Private Hospitals Associations of the Philippines Inc. President Dr. Jose de Grano na mababawasan ang maitatalang firecracker-related injuries ngayong taon bunsod na rin ng paghihigpit ng gobyerno sa paggamit ng mga paputok.
Base sa huling tala ng Department of Health, umakyat na sa 23 ang naiulat na firecracker-related injuries dahil sa paggamit ng boga, 5 star, piccolo, triangle, whistle bomb, baby rocket, at iba pang unlabeled o imported na paputok.
Nagtamo ang mga ito ng sugat sa kanilang kamay, ulo, mata, leeg, dibdib, hita, at paa.
Facebook Comments