Pinangangambahang tuluyan nang magsara ang ilang pribadong ospital sa bansa dahil sa hindi pa rin nababayarang COVID-19 claims ng Philippine Health Insurance, Inc. (PhilHealth).
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. President Dr. Jose Rene De Grano, hindi nasusunod ng PhilHealth ang debit-credit payment solution na inilatag nila para mabayaran ang mga ospital.
Aniya, hirap na hirap na ang mga ospital at ilan ay nangungutang na sa bangko para lang maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Mariin namang itinanggi ni De Grano ang mga akusasyong idinedeklara nilang COVID ang kaso ng mga pasyente para makapagpa-reimburse sa PhilHealth.
Facebook Comments