Nakapagtala ng mababang kaso ang maraming hospital sa Pilipinas kaugnay sa insidente ng paputok nitong pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Dr. Willie Saludares, Head ng Emergency Department and Trauma Center ng East Avenue Medical Center (EAMC), simula December 24, 2020 hanggang ngayon araw (January 1), limang katao lamang ang nasugatan dahil sa paputok.
Ito ang itinuturing na pinakamababang kaso sa kanilang ospital simula 2006 dahil sa paputok.
Sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center naman sa Maynila, sinabi ni Dr. Wenceslao Llauderes, Chief of Medical Professional Staff na mayroon lamang silang naitalang sampung nasugatan.
Kadalasang sanhi ng sugat ay ang paputok na “kwitis” at “super tuna”.
Samantala, apat na katao naman ang nasugatan dahil sa pautok sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.