Ilang ospital sa bansa, posibleng maparalisa dahil sa kakulangan ng health workers – PHAPi

Posibleng maparalisa ang ilang ospital sa bansa sa susunod na anim na buwan.

Ito ang inihayag ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Jose de Grano kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga health workers na nagre-resign kahit na nasa gitna ng krisis ang bansa.

Ayon kay De Grano, mas malaki kasi ang alok na sahod sa ibang bansa na hindi raw kayang tumbasan ng mga ospital sa bansa.


Dahil dito, malaki ang posibilidad na mahihirapang mag-operate ang mga ospital kung kulang ng doktor, nars at ilan pang medical workers.

Paliwanag nito, kahit may mga bakanteng kama sa ospital ay posible pa rin silang magdeklara ng full capacity dahil nakadepende sa health workers ang kakayanan ng isang ospital.

Samantala, maliban sa pagre-resign, marami na rin sa mga ito ang tinamaan ng sakit kaya’t hindi nakakapasok ng kanilang trabaho.

Facebook Comments