Cauayan City, Isabela- Natanggap na ng ilang District hospitals sa lalawigan ng Cagayan ang nakalaang Sinovac vaccines para sa mga ito mula sa gobyerno.
Sa bayan ng Alcala, naibigay na sa Alcala Municipal Hospital ang 26 doses ng vaccines para sa mga health workers na agad rin binakunahan.
Ayon kay Dr. Belma Brrientos ng nasabing ospital, walang naramdamang negatibo ang mga empleyado ng ospital na nabakunahan.
Nababaan din ng bakuna ang Tuao District Hospital at tinanggap ni Dr. Nicasio Galano Jr. ang 51 vaccines para rin sa mga health workers.
Ngayong araw, Marso 9, 2021 ay isasagawa ang pagbabakuna sa mga health workers ng Tuao district hospital na pabor maturukan ng Sinovac.
Maging ang Northern Cagayan District Hospital ay binigyan din ng 34 vaccines base at nakatakda rin ngayong araw ang kanilang pagbabakuna.
Samantala, ngayong araw din ipapamahagi ang 52 Sinovac vaccines sa Nuestra Señora De Piat District Hospital at isasagawa na rin ngayong Martes ang pagbabakuna.
Hinihintay na rin ngayong araw ng Baggao District Hospital ang pagdating ng 45 bakuna para sa mga health workers na kung saan ay gagawing dalawa hanggang tatlong batch ang pagbabakuna ng ospital.
Ang Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital ay bibigyan din ngayong araw ng labing anim (16) na doses ng bakuna.
Posibleng ngayong araw din ibibigay ang bakuna sa Lasam District Hospital na kung saan ay 57 na healthworkers ang pumayag na mabakunahan.
Tatanggap rin ng 10 doses ng bakuna ang Matilde A. Olivas District Hospital na ibibigay anumang araw.
Ang ilan pang mga District hospital sa lalawigan ay bibigyan naman sa mga susunod na araw.