Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakahanda ang mga pampublikong ospital sa bansa sakaling magkaroon ng biglang pagtaas ng COVID-19 cases ngayong Holiday season.
Kanina, pinangunahan ni Health Officer-in-Charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pag-iinspeksyon sa Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City.
Kasama rin sa pag-iikot si Director Gloria Balboa ng Metro Manila Center for Health Development.
Maliban dito, ininspeksyon din ng molecular at diagnostic laboratories na tumutugon sa mga pangangailangang COVID-19, mga isolation facility at intensive care unit ng naturang pagamutan.
Pinuntahan din nila ang mga dialysis machine, physical at occupational therapy, gayundin ang mga serbisyong may kaugnayan sa radiology, at laboratory and medical-social services and assistance.
Tiniyak ng DOH na nakahanda ang government facilities sa buong bansa para agad makatugon sa pangangailangan medical ngayong Holiday season.