Pansamantalang itinigil ng ilang ospital sa Metro Manila at Calabarzon ang pagtanggap ng mga pasyenteng may COVID-19 matapos na maabot ang maximum capacity.
Kabilang dito ang Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Tondo sa Maynila.
Ganito rin ang sitwasyon sa Lung Center of the Philippines at Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
Sa Region 4A naman, hindi na rin tumatanggap ng COVID-19 patients ang Qualimed Hospital at Laguna Holy Family Hospital Inc. sa Laguna; Mount Carmel Diocesan General Hospital at Lucena United Doctors Hospital and Medical Center (LUDHMC) sa Quezon Province.
Ayon kay DOH Region 4A Director Dr. Eduardo Janairo, simula kalagitnaan ng Agosto, tumaas na ang mga pasyenteng natatanggap nila mula sa labas ng Calabarzon.
Bukod sa mga galing sa Metro Manila, napupuno na rin ang mga ospital sa Quezon ng mga pasyenteng mula sa Marinduque habang sa Batangas ay mga pasyentng galing naman sa Mindoro at Romblon.