Ilang ospital, tumangging gamutin ang mga may sakit na Bilibid inmates

Ibinunyag ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na may ilang ospital ang tumangging gamutin ang ilang may sakit na inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tumanggi naman si Bantag na tukuyin ang mga ospital.

Sinabi ni Bantag na puspusan ang trabaho nina NBP Hospital Director Dr. Henry Fabro na halos maiyak na sa hamon na kanilang kinakaharap.


Nagawa nilang makapagpadala ng mga may sakit na inmate sa Philippine General Hospital (PGH) sa tulong ni Senator Bong Go.

Humingi rin sila ng tulong mula sa Department of Health (DOH) pero batid din nila ang problema ng ilang health facilities sa pagtanggap ng pasyente.

Facebook Comments