Ilang Overseas Filipino Workers, patuloy pa ring nakakaranas ng pang-aabuso – OWWA

70

Patuloy pa ring nakakaranas ang ilan nating mga kababayang Overseas Filipino Workers ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga pinagtatrabahuhan partikular sa Middle East.

Ito ang inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Administrator Hans Leo Cacdac sa interview ng RMN Manila kung saan sa kabila aniya ng COVID-19 pandemic ay marami pa ring mga Pilipino ang inaabuso.


Kasunod nito, tiniyak naman ni Cacdac na maliit na porsyento lamang ang mga ganitong insidente at agad na nananagot ang mga recruiters at mga amo ng ating kababayan.

Facebook Comments