Manila, Philippines – Ibinunyag ngayon ng Blas F. Ople Policy Center na may ilang Overseas Filipino Workers sa bansang Russia ang nagtatago na sa police at immigration authorities.
Ayon kay Policy Center head Susan Ople , ang mga OFW ay biktima ng mga illegal recruiters na nangangako ng trabaho lalo na ang mga domestic workers.
Batay sa advisory ni Phil ambassador to Russia Carlos Sorreta, walang trabaho para sa domestic workers sa Russia,kung meron man limitado ito sa mga skilled workers.
Ang mga OFW ay nagtungo sa Russia ,bunsod ng pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na planong pagpadala ng mga contract workers sa Russia at China bilang alternatibong bansa para sa mga repatriated OFW mula sa Kuwait.
Dahil dito, idinagdag ni o Ople na ngayon pa lamang ay linawin na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tunay na estado ng employment opportunity sa Russia para naiwasang mabiktima ang nangangarap sa labas ng bansa.