Ilang paaralan at iba pang istraktura, malubhang napinsala sa tumamang 7.2 magnitude na lindol sa malaking bahagi ng Mindanao

Mindanao – Ilang paaralan, ospital at government buildings ang nakitaan ngayong ng pinsala matapos ang pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao, umaga ng Sabado.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council –tatlong paaralan ang lubhang napinsala at pitong iba naman ang bahagyang nasira sa South Cotabato at General Santos City.

Bukod sa nasirang seaport sa probinsya ng Sarangani, bahagyang nasira din dahil sa lindol ang municipal hall at municipal police station sa bayan ng Glan.


Maging ang warehouse ng isang softdrink at ang gusali ng Philippine Port Authority sa bayan ng Glan ay nasira din dahil sa naturang lindol.

Nagkaroon naman ng minor cracks at nabasag ang salamin na bintana sa city hall ng General Santos City.

Bukod sa mga napinsalang establisyimiento, iniulat ng NDRRMC na lima katao kabilang na ang isang sanggol sa South Cotabato at Sarangani ang nasugutan dahil sa lindol.

DZXL558

Facebook Comments