Bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Lunes, ilang eskwelahan sa Metro Manila ang nagsagawa ng dry run sa pagpapatupad ng COVID-19 health protocols.
Sa Padre Jose Burgos Elementary School sa Manila, ilang mga guro ang nagturo sa mga estudyante ng step by step process ng COVID-19 health protocols bago pumasok sa paaralan.
Bago pumasok sa entrance ng school, kinakailangan na mag-alcohol muna ang mga estudyante at saka didiretso sa covered court upang pumila ng may physical distancing para sa pagpasok sa kanilang mga silid-aralan.
Bago pumasok ng classrooms, maghuhugas ng kamay ang bata at ichi-check ang kanilang temperatura.
Ganito ring proseso ang isinagawang dry run ng mga Grade 1 at Grade 2 students ng San Rafael School sa Navotas City.
Una nang binigyang diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocols lalo na’t lumabas sa datos ng Department of Health na nasa 19% lang mga mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19.