ILANG PAARALAN SA BAYAMBANG, SUMAILALIM SA FIRE SAFETY INSPECTION

Sumailalim sa fire safety inspection ang ilang paaralan sa Bayambang bilang bahagi ng kampanya ng Bureau of Fire Protection ng bayan sa pag-iwas sa sunog.

Bahagi ng protocol ang aktibidad upang tiyakin na sumusunod ang mga paaralan sa fire safety standards at malaman ang mga posibleng lugar na posibleng pagmulan ng sunog.

Kabilang sa mga binisita ang mga paaralan sa Pangdel, Hermosa, Manambong Parte, Manambong Sur at Ataynan.

Bukod sa inspeksyon, tinuruan din ang mga mag-aaral sa mga hakbang upang tugunan at maiwasan ang sunog. Naging paksa ang sanhi ng sunog, wastong paggamit ng fire extinguisher, at mga dapat gawin kung mayroong nangangailangan ng tulong sa oras ng emergency.

Nakatakda pang libutin ang iban paaralan sa bayan upang isagawa ang parehong aktibidad ngayong Fire Prevention Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments