Ilang paaralan sa Cagayan, tetestigo sa Senado kaugnay ng bentahan ng diploma sa mga dayuhang estudyante

Kinumpirma ni Senador Sherwin Gatchalian na may ilang opisyal ng eskwelahan sa Cagayan ang tetestigo sa Senado kaugnay ng bentahan ng diploma sa mga dayuhang estudyante sa lalawigan.

Ayon kay Gatchalian, nakausap na niya ang mga ito at sa katunayan ay naglabas aniya ang mga ito ng mabigat na statement hinggil sa nasabing alegasyon.

Sinabi ng senador na dapat masugpo agad ang naturang katiwalian dahil masisira sa ibang bansa ang reputasyon ng tertiary education institutions ng Pilipinas.


Una nang nabunyag ang pagbabayad ng mga dayuhang estudyante ng ₱2 milyon kapalit ng diploma.

Facebook Comments