Ilang paaralan sa Maynila, muling nagsagawa ng earthquake drill

Para madagdagan ang kaalaman at masanay sa mga hindi inaasahang sakuna, muling nagsagawa ng earthquake drill ang mga estudyante ng Rafael Palma Elementary School sa San Andres Bukid, Maynila.

Pinangunahan ito ng isa sa mga adviser na si Sir Daniel Saguiped, kung saan muli nitong itinuro ang mga dapat gawin kapag nagkaroon ng lindol.

Partikular na ipinaalala ang “duck, cover, and hold” at ang mga pangunahing kagamitan na dapat palaging nakahanda tulad ng helmet, flashlight, at go bag.

Ang hakbang ay isa ring paraan upang masanay ang mga estudyante at madagdagan pa ang kanilang kaalaman sakaling magkaroon ng sakuna o kalamidad.

Bilang tugon din ito sa panawagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na patuloy na magsagawa ng earthquake drill para maging handa ang bawat indibidwal sakaling tumama ang “The Big One.”
.

Facebook Comments