Ilang paaralan sa QC, sunod-sunod na binulabog ng bomb threat nitong nakalipas na mga araw

Magkakasunod na binulabog ng bomb threat ang ilang eskwelahan sa Quezon City nitong nakalipas na araw.

Kaninang alas 10:30 ng umaga, napasugod ang mga magulang sa Ponciano Bernardo High School sa Barangay Kaunlaran, Cubao matapos na makatanggap ng report na may bombang sasabog sa loob ng comfort room ng nasabing paaralan.

Agad na pinalabas ang mga estudyante na kasakuluyan pa namang nagsasagawa ng second quarterly exam.


Bunsod nito, suspendido na ngayong araw ang klase sa nasabing paaralan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni QCPD Dir. PBGen. Nicolas Torre III na wala namang nakuhang anumang pampasabog ang kanilang Explosive Ordinance Disposal Unit.

Kasabay nito, sinabi ni Torre na kilala na nila ang nagpapakalat ng bomb threat at hinihintay na lamang ang warrant of arrest laban sa mga ito.

Ito na ang ika-apat na paaralan sa lungsod ng Quezon City na binulabog ng bomb threat nitong nakalipas na mga araw kung saan kabilang dito ang New Era Elementary at San Francisco High School.

Facebook Comments