Zamboanga – Pinaimbestigahan na ngayon ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang umano’y pagbebenta ng isang unit sa Zamboanga roadmap to recovery o ZR3 na inilaan para sa mga pamilya ng Internally Displaced Persons o IDPs na apektado sa Zamboanga Siege noong 2013.
Ito ay matapos na mag-post ang isang netizen sa kanyang Facebook account tungkol dito.
Sa panayam ng RMN-Zamboanga kay Roxanne Rojo Pedro na nagpost sa Facebook kung saan nagpanggap ang RMN bilang buyer, ibinibenta nito ang isang unit na nagkakahalaga ng tatlong daang limampu’t libong piso at pwede pang bigyan ng discount.
Sa pakikipag-usap ng RMN, inamin ni Pedro na marami ring mga sa mga benipisyaryo ang nagbebenta ng kanilang mga unit na minsan ay umaabot pa sa P400,000.
Nang makarating ito kay Mayor Climaco, kanyang ipinag-utos na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.
Nakakatanggap na rin aniya siya ng mga ulat na kahintulad nito pero wala pang ebidensiya at ngayon dahil sa isang post sa Facebook hindi niya papayagan na mangyari ito.
Gusto rin ni Mayor Climaco na bigyan ng leksyon itong mga pamilyang IDPs na nagbebenta ng kanilang mga unit na ibinahagi sa kanila ng pamahalaan.