MANILA – Bukas ang ilang lokal na pagawaan ng baril na suplayan ng armas ang Philippine National Police (PNP).Ito’y dahil sa balitang ayaw nang bentahan ng Amerika ng m4 assault rifle ang pambansang pulisya.Ayon sa may-ari at presidente ng United Defense Manufacturing Corporation na si Gene Cariño, interesado silang magsuplay sa PNP ng kailangan nitong armas at kaya rin nilang ibigay ang hinihinging 26,000 units.Ipinagmalaki rin ni Cariño na high-tech ang kanilang mga kagamitan pero hiniling nila na baguhin ang procurement law.Para naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson, Brigadier General Restituto Padilla, halos kaparehas lamang ang proseso ng kanilang procurement at bidding process pero wala silang problema gaya sa PNP.Giit naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi ang Pilipinas ang nawalan sa naunsyaming bentahan ng baril.Sabi naman ni DILG Secretary Mike Sueno, nag-alok na ang Russia na magsu-suplay ng m4 rifle pero may iba ring opsyon ang pangulo.Naniniwala rin si Sueno sa galing ng mga Pinoy sa paggawa ng mga baril.
Ilang Pagawaan Ng Baril Sa Pilipinas, Bukas Na Suplayan Ng Armas Ang Philippine National Police
Facebook Comments