Ilang pagsasanay sa ika-33th Balikatan Exercises sa pagitan ng Amerika at Pilipinas, nagtapos na

Manila, Philippines – Matagumpay naisinagawa ang huling araw ng “Humanitarian Assistance and Disaster ReliefDrills” sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija, kahapon.
 
Kabilang sa mga aktibidad ay angpag-rescue sa mga sibilyan sa oras na dumating ang mga hindi inaasahang sakunakagaya ng lindol o bagyo.
 
Ayon kay Captain Elmeterio Armada,team leader ng Philippine Army Search and Rescue Contingent Team – mahigit 100sundalong pilipino at 30 Amerikanong sundalo ang lumahok sa pagsasanay.
 
Mahalaga ang mga ganitong uri ngpagsasanay bilang bahagi na rin ng paghahanda sa ‘the big one’ o ang magnitude7.2 na lindol na maaaring tumama sa Metro Manila.
 
Tumayo namang observer sa pagsasanayang ilang mga sundalo mula sa United Kingdom, South Korea, Singapore, Brunei,East Timor, at Thailand.
 
Ngayong araw – nakatakdang pumuntaang mga ito sa Casiguran, Aurora para sa susunod na aktibidad partikular ang“civil military activities” sa karagatan.
 
Nakatakdang matatapos ang taunang BalikatanExercises sa ika-19 ng Mayo.
 
 
 
 
 
 
 

Facebook Comments