ILANG PAGYANIG SA PANGASINAN, NAITALA

Nakaranas ang ilang bahagi ng Pangasinan ng pagyanig umaga nitong ika-dalawa ng Hunyo.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang unang pagyanig sa Anda, Pangasinan, na nasa 3.9 magnitude at sinundan pa ng 3.1 magnitude matapos ang tatlumpung minuto.
Naitala rin sa Bolinao ang 3.5 magnitude.
Pinaalalahanan ang mga Pangasinense na maging handa at alerto at umantabay sa mga advisories ng awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments